Pampanga
-- Advertisements --

Patay ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Manaoag, Pangasinan.

Kinilala ni PNP Chief Police General Debold Sinas ang mga nanlaban na drug suspeks na sina Renzeil Sibelius, 32-anyos, at Gervin Salbino, 30.

Sa report ng PNP-Regional Office 3, bandang alas-10:30 ng gabi nitong Biyernes, nagsasagawa ng joint operations ang iba’t iba nilang units sa Barangay Oraan East.

Batay sa report, notorious umano na drug peddlers sina Sibelius at Salbino na kumikilos sa Cordillera, Pangasinan, at Metro Manila.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol na may magazine; caliber .38 revolver with live ammunition, fired empty shells, Toyota Innova, at kilong tuyong marijuana leaves na nagkakahalaga ng P360,000.

-- Advertisement --

Siniguro naman ni Sinas na hindi sila titigil sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

“We have been succeeding so far as is manifested by a series of successful police operations. We shall not rest until all criminals are brought to justice,” pahayag ni Sinas.