-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Nasakote ng pulisya ang dalawang drug suspect sa Cotabato City.
Nakilala ang mga nahuli na sina Ryan Sabas,39 anyos at Abdul Samama,56,mga residente ng Purok 2 Barangay Rosary Heights 9 Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Portia Manalad na nagsagawa sila ng buybust operation nang mahuli ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu,drug paraphernalia at mark money
Nakapiit na sa costudial facility sa Cotabato Police Office ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.