-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at illegal possession of Firearms ang dalawang drug surrenderees na nahuli ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Dan Jickery Ayunan at Tapia Malingco,mga residente ng Pagalungan Maguindanao.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) Regional Director Rogelito Daculla na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Barangay Poblacion Pagalungan Maguindanao katuwang ang Pagalungan MPS at 90th Infantry Battalion Philippine Army laban sa mga suspek.

Nang i-abot na ng mga suspek ang shabu sa PDEA-Asset ay natunugan nito na mga otoridad ang kanilang ka-transaksyon.

Tinangkang tumakas ng mga suspek, nagkahabulan pero nakorner din sila ng mga otoridad.

Ang mga suspek ay dating nang sumuko at nangakong magbabagong buhay pero kalaunan ay bumalik din sa pagbebenta ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na tinatayang abot sa P100,000 ang halaga at isang 12 gauge shot gun.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Pagalungan Municipal Police Station.