-- Advertisements --

Aabot pa mula lima hanggang pitong taon bago tuluyang kumita ang mga digital banks sa bansa.

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Director Melchor Plabasan na mayroong dalawa sa kabuuang anim na digital banks sa bansa ang kumikita.

Isa sa nakitang dahilan ng BSP ay ang may ilang digital bank ang hindi pa nakakita ng tamang business model para sa kanilang target market na mayroong mataas na untested credit profile.

Tiwala naman ang BSP na sa mga susunod na taon ay tataas pa lalo ang bilang ng mga mamamayan na magsisimula ng tumangkilik ng mga digital banks.