-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Hustisya ang sigaw ng mga pamilya ng dalawang lalaki na dating mga preso matapos itong binaril sa Marcos Avenue, Highway, Brgy. Apopong, General Santos City.

Kinilala ang mga biktima na sina Agustin Gonzales at Ramonito Evangelista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan, aminado si Ramonita Penecilla na alam nilang may kasalanan ang kanyang kapatid na si Ramonito pero sana’y hindi ito pinatay.

Sa naging pahayag naman ni Police Major Dennis Yuson, Hepe ng Makar Police Station inihayag nito na si Evangelista ay bagong laya mula sa City Reformatory Center Lanton Apopong dahil sa kaso kaugnay sa ilegal drugs at robbery with homicide.

Habang ang kasama nito na si Gonzales ay may kaso din noon kaugnay rin sa ilegal drugs.

Aniya iniutos ni Gensan City Director PCol. Jomar Alexis Yap na masusing imbestigahan ang kaso.

Matatandaang sinundo ni Gonzales sa City Reformatory Center si Evangelista sa paglaya nito subalit pagkarating nila sa Marcos Highway sakay ng motorsiklo ay pinagbabaril an gmga ito ng di kilalang suspek na sakay ng motorsiklo.