LEGAZPI CITY – Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan subalit nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang construction worker matapos na matabunan ng mga bato sa Barangay Balza, Malinao Albay.
Napag-alamang gumuho ang ginagawng water control project ng mga ito.
Ayon kay Barangay Kagawad Francisco Dacillo, talto ang nag-tatrabao sa naturang proyekto subalit naka-ilag ang isa kaya dalawa lang ang biktima na nagtamo ng injuries.
Paliwanag ng opisyal na poisbleng bumigay ang ginawang proyekto dahil sa mga dumadaang mga malalaking truck sa lugar na nagdulot ng pag-uga ito.
Pansamantala munang itinigil ang patrabaho upang alisin ang mga debris subalit sa ngayon ay balik na ito sa normal.
Dagdag pa ni Dacillo na sinagot naman ng construction company ang pagpapagamot sa mga biktima at babayaran ang mga ito habang hindi pa nakakabalik sa trabaho.
Samantala, napag-alaman na tuwing nagkakaroon ng masamang panahon, nalulubog sa baha ang naturang barangay kaya pinapamadali ang naturang water control project.