Inakusahan ng Justice Department sa Estados Unidos ang dalawang Chinese nationals na di-umano’y target na makuha ang mga impormasyon na naglalaman ng coronavirus development vaccine ng bansa.
Kinilala ang mga suspek na sina Li Xiaoyu, 34, at Dong Jiazhi, 33, ay kapwa kumikilos umano para sa spy service ng China at para na rin sa kanilang pansariling yaman.
Ayon kay FBI Deputy Director David Bowdich, ang cybercrime na ginagawa ng Chinese government ay hindi lamang magsisilbing banta sa Amerika ngunit pati na rin sa bawat bansa sa sumusuporta sa international norms at rule of law.
“The computer systems of many businesses, individuals and agencies throughout the United States and worldwide have been hacked and compromised with a huge array of sensitive and valuable trade secrets, technologies, data, and personal information being stolen,” wika ni US Atty. Bill Hyslop.
Hindi raw ito ang unang beses na ginawa nina Li at Dong ang parehong krimen. Minsan na rin daw sinubukan ng dalawa na nakawin ang impormasyon ng ilang Chinese intelligence tulad ng human rights activists maging ang pinuno ng Ministry of State Security spy service.