Malalaman na ngayong gabi, Oktubre 3, kung sino ang magiging champion sa 2022 Wonju Dynamic Dancing Carnival na ginanap sa bansang South Korea.
Mula sa 40 contingents na sumali, 2 dance team mula sa Cebu ang pasok sa Top 15 finalist at sasabak sa showdown mamaya.
Kabilang dito ang defending champion na Joyful Tribe ng Toledo City at Don Juan and Angel Fire.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Anna Michelle Buot, team leader ng Don Juan, sinabi nitong masaya at excited na silang muling magperform.
Hindi pa umano nila inaasahang mapasali sa mga finalists dahil aniya sumasali lang sila noon bilang guest performer ng prestihiyosong festival mula 2015 hanggang 2017.
“We were so very happy…it was very unexpected because out of 40 contestant, we ranked second. And we are looking forward to perform again tonight for the final 15. We are excited to perform again tonight,” ani Buot sa panayam ng Star Fm.
Sinabi pa ni Michelle na naisipan nilang sumali sa kumpetisyon at pag-isahin ang Don Juan at Angel Fire para ipakita sa mga tao ng Wonju kung ano pa ang kayang gawin ng mga Pinoy sa internasyonal na kompetisyon.
Nagsimula na rin umano sa face to face classes ang ilan sa kanilang miyembro at dapat ay binubuo ng hindi bababa sa 20 performer ang bawat team.
Dagdag pa ng Cebuana na ballet dancers at hindi pa umano hiphop performers ang Angel Fire ngunit sinasanay nila ang mga ito at pinagsama ang dalawang grupo.
“It is said here that the minimum members that can join the competition should be 20 members. Angel dancers are ballet dancers , they are not hiphop performers but they can learn hiphop. so we train them and we merge them,” saad ni Buot.
Maliban pa, dalawang linggo lang umano silang naghahanda at pagkatapos ay nagkaroon lang ng ilang araw na rehearsals sa Korea.
Samantala, isa pa umano sa malaking hamon ngayon na kinakaharap ng grupo ay maraming magagaling na performers ang kanilang makakalaban at may kutura ang nasabing bansa na ibang-iba sa Pilipinas.