VIGAN CITY – Nakabantay ngayon ang pulisya sa dalawang persons of interest sa kaso ng pagnanakaw sa bahay isang overseas Filipino worker sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Capt. Christopher Ramat, hepe ng Sto. Domingo PNP, na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kanilang hanay sa naturang kaso.

Batay sa inisyal na ulat, $13,000 o higit P670,000 ang natangay ng mga kawatan sa bahay ng biktimang si Domingo Ped Rayray, 64.

Nakita umano na bukas na ang vault sa bahay kung saan nakalagay ang pera ngunit kataka-taka na hindi raw ginalaw ang ibang mahahalagang dokumento na naroon.

May mga bakas din daw ng ebidensya na nakita sa crime scene dahil pwersang dumaan sa likod bahay ang mga suspek dahil sa nakitang bukas na kisame.