-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binigyan ng city government ng Kidapawan ng two years property and business tax incentive ang dalawang business establishments na nag-o-operate sa syudad.

Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang Certificate of Tax Incentives sa Marlit Realty at Peak Properties by CSR kung saan exempted silang magbayad ng buwis sa lupa, gusali at business tax mula April 2021 hanggang April 2023.

Ibinibigay ng city government ang pribilehiyong ito sa mga business operators upang makahikayat ng dagdag na puhunan na naglalayong pasiglahin ang lokal na ekonomiya ng Kidapawan City.

Nagbibigay ng tax incentive ang city government sa mga bagong business establishments o ‘di kaya ay nag-e-expand ng kanilang negosyo sa lungsod alinsunod sa mga panuntunan na pasok sa kasalukuyang City Revenue Code.