KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa natagpuang mga bungo ng tao na nakasilid sa dalawang magkahiwalay na balde sa gilid ng ilog sa Barangay Pagsanjan, Banga, Aklan.
Halos nabalot na ng putik ang nasabing mga bungo at posible umanong bago pa lang itong ibinaon sa lugar dahil nangangamoy pa.
Nakita ito ng isang residente na si Jeffrey natalio habang nangunguha ng tuway o clam sa gilid ng ilog.
Aniya, naapakan nito ang magkatabing balde na kanyang kinuha at nang buksan at tumambak sa kanya ang bungo ng tao.
Agad nitong ipinabatid sa kanilang punong barangay ang pangyayari.
Ayon kay punong barangay Florido Rubrico, wala umano silang natanggap na report o reklamo na may taong nawawala sa kanilang barangay.
Posible umanong inilibing lamang ito sa naturang lugar.