LA UNION – Ilang oras na lang bago tuluyang magtapos ang surfing competition ng South East Asian (SEA) Games 2019 ay nakakuha na ng tatlong bronze medals ang tatlong Pinoy surfers.

Kinabibilangan ito nina Daisy Valdez sa women’s shortboard at longboard category; at John Mark Tokong sa men’s shortboard category.

Kaugnay nito, naging emosyonal si Valdez at ang kanyang mag-ama dahil itinuturing nilang isang blessing at regalo sa kaarawan ng Pinay surfer ang nakamit nitong dalawang medalya.

Ngayong hapon ay inaasahang mag-uuwi ng gold o silver medals ang apat pang Pinoy surfers na sina Roger Casugay, Ikit Agudo sa women’s longboard; Nilbie Blancada sa women’s shortboard; at Rogelio Esquivel sa men’s longboard.

Kung maaalala, ilang beses ding na-postpone ang surfing competition sa lalawigan dahil sa hindi magandang lagay ng alon at panahon.