KATA SEA GAMES KARATEDO

Nasungkit ng pambato ng Pilipinas ang dalawang bronze medal sa pag-uumpisa pa lang ngayong araw ng Kata Category ng larong karatedo.

Sa performance ni Sarah Pangilinan sa women individual category ng kata makikita ang magang hugis ng kamay, paa at buong katawan ni Pangilinan kung kaya nakuha nito ang 23.74 na total score na nagdala sa kanya sa bronze medal.

Naibulsa naman ng atleta ng Vietnam ang silver at iniuwi ng Indonesia ang ginto.

Samantala, sa men’s category ng kata nakakuha ng 23.66 na total score si John Enrico Vasquez mula sa Pilipinas dahil sa magandang model ng katawan sa buong performance na nagdala rin sa kanya sa bronze medal.

Inuwi naman ni Zareta Ahmad Yuda ng Indonesia ang ginto at silver naman si Hong Ooi San ng Malaysia. (Report ni Bombo John Salonga)