Nadagdagan pa ang bilang ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Paris Olympics sa buwan ng Hulyo.
Ito ay matapos ang tagumpay ng mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Nagwagi ang dalawa sa kani-kanilang laban sa World Qualifications Tournament sa Busto, Arsizio, Italy nitong Martes ng madaling araw.
Tinalo ni Petecio sa pamamagitan ng 4-1 split decisioin si Esra Yildiz ng Turkey sa 57 kgs. category.
Habang nakuha ni Villegas ang 5-0 unanimous decision laban kay Zlatislava Chukanova ng Bulgaria.
Muntik ng hindi ito makapasok sa Olympics matapos na mapatumba ito sa ikatlong round mula sa straight ng Bulgarian boxer.
Subalit hindi nagpapigil ang Leyte native at agad na bumangon at bumawi.
Dahil dito ay kabilang na ang dalawa sa mga apat na pambato ng bansa sa Olympics na sina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo , Aleah Finnegan at boxer Eumir Marcial.