Nsagip ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay na biktima ng human trafficking sa may Clark International Airport sa Pampanga.
Napag-alaman na tinangka ng mga biktima na lumabas sa bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang seaferers.
Sa report mula kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, iniulat ng Travel Control and Enforcement Unit ng BI na nasagip ang mga biktima noong Mayo 24 habang pasakay ang mga ito sa Cebu Pacific flight patungong Bangkok, Thailand.
Nagprisenta din ang mga ito ng mga pekeng mga dokumento at kalaunan ay umamin din ang mga ito na nahire sila para magtrabaho sa Laos bilang call center agents sa pammagitan ng isang ads na nakita sa online platform.
Nagbayad umano ang mga ito ng tigP40,000 bawat isa sa kanilang handlers kapalit ng pagproseso ng kanilang pekeng travel documents.
Ni-refer na ang mga biktima sa Inter-agency council agaisnta trafficking para sa assistance at pagsasampa ng kaso laban sa kanilang recruiters.
Una ng iniulat ng BI na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nabibiktima ng human trafficking sa Laos, Cambodia at Myanmar kung saan narerecruit ang mga ito para magtrabaho sa call center subalit nauuwi sa scamming companies.