LA UNION – Kaagad isinugod sa ospital sa San Fernando City ang dalawang tinamaan ng stray bullet para mabigyan ng kaukulang lunas.

Ito ang kinumpirma ng isang opisyal sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) na hindi na pinangalanan.

Tumanggi rin ang management ng pagamutan na ilabas ang identity ng dalawang pasyente ng ligaw na bala at kung saan lugar nanggaling ang mga ito.

Gayunman, base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, isa sa mga pasyente ay sinasabing galing pa sa Pangasinan.

Una umanong dinala ito sa Rosario District Hospital sa bayan ng Rosario, ngunit inilipat sa ITRMC para sa kaukulang medical treatment.

Ang dalawang pasyente ay kapwa na-admit kagabi sa naturang pagamutan.