BAGHDAD – Dalawang bata ang napaulat na patay mula sa insidente ng pagpapasabog malapit sa isang gas pipeline sa Iraq.

Batay sa ulat ng Iraqi state media, may 28 katao rin na sugatan sa naturang bombing incident sa probinsya ng Muthanna, sa timog na bahagi ng Baghdad.

Sa isang statement, sinabi ng Kurdistan Regional Government matagal nang sinuspinde ang exportation ng langis sa lugar dahil tina-target ng mga umano’y terorista ang pipeline na tumatawid mula sa rehiyon patungong Ceyhan port ng Turkey.

Kamakailan daw nang pasabugan din ang oil pipeline na nasa hilagang bahagi ng Iraq.

May kapasidad daw na 600,000 barrels kada araw ang nasabing pipeline, pero sa ilalim ng pamamahala ng mga Kurds ay kontrolado nang hanggang 300,000 kada bariles lang per day ang iniimbak ng langis, bilang pagsunod sa demand ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Pinaghihinalaan ng Kurds mula Turkey at Iraq ang Kurdistan Workers’ Party na nasa likod ng mga insidente dahil sa mga kampo nito sa loob ng rehiyon.(AFP)