Dalawang bata ang nasawi matapos masunog ang kanilang bahay sa may Barangay 8,Caloocan City kaninang madaling araw.


Ayon kay Caloocan City Fire Marshal Stephen Requina nagawa pang dalhin sa hospital ang isa sa dalawang fatalities pero idiniklara itong dead on arrival ng attending physician.

Natagpuan din ang sunog na katawan ng isa pang bata sa lugar ng sunog habang may isa pang bata ang nawawala.

Sa kabilang dako, may dalawa pang bata ang nasa critical condition dahil sa severe burns.

Ang dalawang bata ay may edad na 10 at limang taong gulang na nagtamo ng 83% at 68% sunog sa kanilang katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Mei Mei Mano bandang alas-3:00 kaninang madaling araw na umabot sa second alarm.

Bandang alas-4:39 na kaninang umaga ng maapula ang apoy at idiniklarang fire out.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng damage sa sunog.