CAUAYAN CITY – Dalawang batang magkamag-anak ang namatay habang nakaligtas ang isa pa matapos tumalon sa ilog at malunod sa Disabungan river sa Disusuan, San Mariano, Isabela
Ang nakaligtas sa pagkalunod ay si Elsa Baga-in, 14, habang ang binawian ng buhay ay sina Linlin Panuncio, 10, at isa pang kamag-anak na 8-anyos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kapitan Reynaldo Guttierez ng Barangay Disusuan, San Mariano na umalis ang mga magulang ni Panuncio upang magtungo sa simbahan.
Pinagsabihan anya ang mga bata na manatili sa kanilang bahay ngunit pagbalik ay wala nang buhay ang anak.
Ayon kay Barangay Kapitan Guttierez, habang papauwi ang magsasakang si Edmund Palason ay nakita ang tatlong batang nalulunod at nailigtas nito si Elsa Baga-in na kasalukuyang lumulubog sa tubig.
Hindi anya nagawang mailigtas ang dalawa pang bata dahil sa mabalis na tinangay ng agos ng tubig na may lalim na 16-20 metro.
Gustong gusto anyang maliligo ng mga kabataan sa nabanggit na ilog dahil napakagandang tingnan at mistulang isang swimming pool.