-- Advertisements --

Dalawang barangay sa San Rafael, Bulacan ang isinailalim sa granular lockdown.

Layunin nito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay San Rafael Mayor Cipriano D. Violago Jr., ang Purok 3 at Purok 4 sa Barangay Capihan at Paseo de San Roque Village ng Brgy. San Roque ang isinailalim sa granular lockdown.

Tatagal hanggang Setyembre 3 ang granular lockdown sa Purok at Purok 4 habang tatagal ng Setyembre 5 ang lockdown sa Paseo de San Roque Village.

Ang deklarasyon na lockdown ay base sa rekomendasyon ng Municipal Health Office dahil sa pagdami ng COVID-19 case sa nasabing munisipyo.