Isang linggo mula ngayon ay nakatakdang tumanggap ng mga bagong sasakyang panghimpapawid ang Philippine Air Force.
Ito ay sa gitna ng nalalapit na pagdaraos ng commissioning at blessing rites ng dalawang mga bagong Turkish made T-129 ATAK attack helicopters at isang Japanese air surveillance system sa darating na Disyembre 20, 2023.
Pangungunahan ito mismo ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. bilang guest of honor at speaker sa Wallace Air Station, San Fernando City, sa La Union.
Ang nasabing dalawang T-129 helicopters ay naideliver sa bansa noong Nobyembre 30, 2023 ay bahagi ng six-helicopter contract mula sa Turkish Aerospace Industries.
Bahagi pa rin ito ng Horizon 2 Phase ng Armed Forces of the Philippines Modernization Program na may kontratang nagkakahalaga ng USD269-million o katumbas ng Php14.9-billion na una nang nalagdaan noong Hulyo 20, 2020.
Ang mga bagong asset na ito ay magsisilbing dagdag na isang pares ng refubished Bell AH-1S Huey Cobra attack helicopters mula sa Jordan, kabilang na rin ang armed light observation at transport helicopters na kasalukuyan nang nasa inventory ng PAF.
Makakadagdag ang mga bagong asset sa isang pares ng inayos na Bell AH-1S Huey Cobra attack helicopter mula sa Jordan, kasama ang armed light observation at transport helicopter sa imbentaryo ng PAF.
Ang mag ito ay gagamitin ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas para sa pagsasagawa ng territorial defense, aerial surveillance at reconnaissance, counter-insurgency combat operations at combat support operations na maaari ring gamitin sa mga close air support, precision strike, deep strike, pagsugpo sa air defense ng kaaway, security/urban warfare, at air-to-air warfare.