-- Advertisements --

hpg1

Naaresto ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang dalawang notorious na con-artists na sangkot sa “rent-tangay” carnapping modus.


Nakilala ang pangunahing suspek na si Baeatrice PIA white, alyas Janelle Consunji na asawa umano ng isang sikat na PBA player na hindi muna pinangalanan.

Habang ang kanyang kasama na kasabay na naaresto sa entrapment operation kagabi sa Sta. Mesa, Manila ay kinilalang si Efcel Reyes alyas Christine Martinez.

Naaresto ang mga suspek matapos tanggapin ang P80,000.00 marked money mula sa biktimang si Manuelito Larin, bilang pagtubos sa 2019 Mitsubishi Mirage ng biktima, na ninakaw ng dalawa sa pamamagitan ng “rent-tangay” modus.

Sa follow up investigation, lumitaw ang mga iba pang biktima ng dalawa sa natuklasang hiwalay na kaso ng large scale estafa.

Tinakbuhan umano ng dalawa ang 700 investors matapos na mamuhunan ng mahigit P80 milyong piso sa kanilang Multi-Level Marketing Company na AUREA ORGANICA INTERNATIONAL sa Quezon City.