-- Advertisements --

Isa patay, habang tatlo ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa residential area ng Brgy. 43, Tramo street, Pasay City nitong umaga.

Batay sa ulat, pawang mga fire volunteer ang tatlong sugatan, at dalawang babae ang binawian ng buhay.

Ayon kay Supt. Jay Bernard Pena, ang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, aabot sa hanggang 30 pamilya ang apektado ng sunog.

Ang iniwang danyos naman ay tinatayang aabot sa hanggang P300,000.

Itinaas ng hanggang ikalawang alarma ang sunog na nagsimula pasado alas-5:30 ng umaga. Dakong alas-7:53 na ng umaga nang ideklarang fireout.

Sa ngayon may isang residente pa raw na pinaghahanap ang mga opisyal matapos ang sunog.

Personal namang bumisita si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga residenteng nasunugan ng bahay matapos ang insidente.