BAGUIO CITY – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae pagkatapos ng hinihinalang pagnakaw ng mga ito sa loob ng isang mall sa Luneta Hill, Baguio City.

Nakilala ang mga ito na sina Rachel Guieb Borce, 32 anyos, residente ng Lower Quirino Hill, Baguio City at Maribel Kinliha Madiwo, 21 anyos, dalaga at residente ng East Quirino Hill, Baguio City.

Nagsilbi bilang complainant sa kaso si Daniel Villaganes Mabutas, 20 anyos at residente ng Salud Mitra, Baguio City.

Batay sa report, nagtungo ang mga suspek sa store na pinagtatrabahuan ng complainant at dito nagtulungan ang dalawa na magnakaw ng iba’t-ibang cosmetic items.

Nakita ng gwardya ang ginawa ng mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Nagkakahalaga ng P4,600 ang mga produkto na umano’y ninakaw ng mga suspek.