BOMBO DAGUPAN – Arestado ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation sa pekeng sigarilyo sa barangay Poblacion sa bayan ng Infanta dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Plt. Mark Jowell Medios, Deputy Chief of Police sa nasabing bayan, kinilala ang mga naaresto na sina Roxanne Mejos, 31 anyos, helper at Karen Rose Marzan , dalaga, 26 anyos, helper din at parehong nakatira sa Brgy Doliman, Infanta.
Sinabi ni Medios na bunga ito ng pakikipagtulongan ng mga concerned citizen na nagreport na ang dalawa ay nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo kaya nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad at nagresulta sa pagkakumpiska ng mga pekeng sigarilyo.
Nahuli ang mga ito sa aktong pagtanggap ng entrapment money kapalit ng 2 packs ng Marlboro Red, 2 packs na Modern America.
Lumabas sa initial na imbestigasyon na dalawang taon pa lang nag ooperate ang dalawa at ang kanilang pekeng produkto ay galing sa lungsod ng Alaminos.
Napag alaman na ang kanilang supplier ay isang Chinese national.
Sa kabuoan ang mga nakumpiskang pekeng sigarilyo ay nagkakahalaga ng P612,880.00.
Ang mga suspek at mga nakumpiskang ibididensya ay dinala sa CIDG Pangasinan para sa dokumentasyon at tamang disposition.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10643 o Graphic Health Warning Law at Violation of RA 8293.