LAOAG CITY – Arestado ang dalawang babae matapos magnakaw sa isang mall sa Laoag City.

Nakilala ang mga ito na sina Sherly Taguiling y Guillermo, 42-anyos, may live-in partner, taga Isabela pero kasalukuyang naninirahan sa Brgy 51-A, dito sa lungsod ng Laoag at si Liza Valenzuela y Andres, 36-anyos, residente rin sa nasabing barangay.

Ayon kay Eujane Agustin Ramil, Internal Security Team Leader ng mall, sa pagminitor nila sa CCTV area ay nakita nila ang dalawang suspek na dalawang de lata lamang ang binayaran nila sa counter na nagkakahalaga ng P71 habang ang iba na nagkakahalaga nga P318 ay tinangka nilang ipuslit.

Aniya, pagkatapos magbayad ng dalawang de lata ang mga suspek at nagtungo sila sa Comfort Room at doon nila inayos ang mga ninakaw nilang items.

Subalit paglabas nila sa CR ay dito na nila hinuli ang mga ito at nakuha sa dala nilang bag ang mga items na hindi nila binayaran.

Agad nilang itinurnover ang mga suspek ti PNP at sa ngayon ay inihahanda na ang reklamong theft na isasampa laban sa mga ito.

Samantalan, inamin ng isa sa mga suspek na si Taguiling na laking pagsisisi niya sa ginawa nila at humingi sila ng tawad pero desidido ang management ng mall na magsampa ng reklamo dahil sa ginawa nila.