-- Advertisements --
Personal na nakausap ni Pope Francis ang mga asawa ng dalawang sundalo sa Ukraine na nakipaglaban sa Azovstal steel plant.
Nagtungo kasi sa Vatican sina Yulia Fedosiuk at Kateryna Prokopenko at nakaharap ang Santo Papa.
Ayon sa dalawa na kabilang ang asawa nila sa Azov regiment na kasalukuyang nasa loob ng steel plant na ipinagtatanggol ito laban sa pag-atake ng Russia.
Nakarating sila sa Vatican ng sulatan nila ang Santo Papa na idinaan kay Ukrainian ambassador sa Rome kung saan nagulat sila ng mapansin ang kanilang sulat.