-- Advertisements --

Pinangangambahang nabihag na ng mga Russian forces ang dalawang American volunteers na kasama ng mga sundalo ng Ukraine na nakikipaglaban sa giyera.

Kinilala ang mga ito na sina Alexander John-Robert Drueke, 39, ng Tuscaloosa, Alabama, at Andy Tai Ngoc Huynh, 27, ng Hartselle, Alabama.

Kabilang aniya ang mga ito sa 92nd mechanized brigade na huling namataan noong Hunyo 9 sa bayan ng Izbytske.

Nagsagawa na ng search mission ang mga kasamahan ng dalawa subalit bigo silang makita ang mga ito.

Naniniwala ang mga kaanak ng dalawa na ang mga ito ay posibleng nabihag ng mga sundalo ng Russia.

Sinabi naman ni National Security Council coordinator for Strategic Communications John Kirby, na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa nasabing ulat na pagkawala ng dalawang sundalo na nagmula sa Amerika.