-- Advertisements --
Pinalilipat na ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa Bicutan ang dalawang akusado sa Maguindanao massacre na naaresto kamakailan sa Mindanao.
Kinilala ang mga ito na sina Gambayan Kasim at Faisal Dimaukom.
Batay sa utos ng korte, kailangang madala na sa BJMP detention facility ang mga ito para mabasahan na ng sakdal bukas.
Inaasahang magiging mabilis lang ang proseso rito dahil natapos na ang paglilitis sa iba pang akusado at may mga nahatulan, habang mayroon ding napawalang sala.