-- Advertisements --

Umabot na sa 2.5Million katao ang napilitang lumikas mula sa Sudan dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa State Department ng United States States, mula nang magsimula ang kaguluhan noong Abril 15, mahigit dalawang libong katao na ang namatay.

1,100 dito ay nagmula sa syudad ng El Geneina, ang nagsisilbing capital ng West Darfur.

Marami umano sa mga namatay ay nakalinya lamang sa mga kalsada ng El Geneina, habang karamihan sa mga shops at kabahayan ay naiwan nang bakante at nakatiwangwang sa loob ng ilang buwan.

Batay pa rin sa report ng US State Department, maraming mga Sudanese ang nagpapatuloy pa rin sa paglikas, at sinasamantala ang mga pagkakataon na walang naririnig na palitan ng putok.

Ginagamit ng mga ito ang rutang papunta sa bansang Chad.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng dalawang naglalabang paksyon: ang Sudanese Army at ang Rapid Support Forces (RSF)