-- Advertisements --
Dr. Rontgene Solante

Inihayag ng isang infectious disease expert na hindi bababa sa 2 hanggang 3 million doses ng bivalent vaccine ang kailangan para sa booster ng mga healthcare worker at matatandang populasyon laban sa Covid-19 virus.

Ito ay kasunod na rin ng pagdating ng mahigit 390,000 doses ng mga bivalent vaccine na naibigay ng gobyerno ng Lithuanian sa bansa.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, inaasahan din na nasa humigit-kumulang 1 million doses ng bivalent na donasyon ang magmumula sa COVAX facility at umaasang madagdagan pa upang maprotektahan ang health care workers at matatandang populasyon ng bansa.

Tinatarget ng bivalent vaccine ang orihinal na strain ng covid19 at Omicron sub variants

Ayon pa sa health expert lampas na ang bansa sa “kritikal na yugto ng subvariant ng BA.2 o Arcturus, ngunit hindi dapat aniya na maging kampante ang publiko dahil kasalukuyang sinusubaybayan ng World Health Organization ang pito pang variant na walang impormasyon sa ngayon kung nakapasok na sa bansa.

Sa kabilang banda, nang tanungin tungkol sa kanyang payo sa bagong itinalagang health department secretary na si Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, sinabi ni Solante na ang pagpapabuti ng pagpapatupad ng Universal Health Care Law gayundin ang pag-upgrade ng mga pasilidad at serbisyo ng mga ospital mula sa Level 1 tungo sa level 3 ang dapat aniya na unang tutukan ng pamumuno ng DOH chief.