-- Advertisements --
image 688

Inaasahang dadagsa ang mahigit 2.2 million pasahero sa mga daungan sa iba’t ibang lugar sa bansa kasabay ng paggunita ng Semana Santa ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Mas mataas ito kumpara sa 1.3 million pasahero noong nakalipas na taon.

Inanunsiyo din ng ahensiya na magpapatupad ng “no leave policy” sa lahat ng mga personnel na nasa frontline services upang masiguradong matutugunan ang pangangailangan ng mga pasaherong dadagsa sa mga pantalan.

Magsisimulang ipatupad ang nasabing mga polisiya mula Abril 3 o Palm Sunday hanggang Abril 10 o isang araw pagkatapos ng Easter Sunday.

Sa isang statement sinabi ng PPA na naka-heightened alert ang lahat ng pantalan sa bansa at ipinag-utos ang maximum deployment ng kanilang mga security personnel.

Paalala ng Philippine Ports Authority sa mga pasahero na planuhin muna ang kanilang paglalakbay at iwasan ang last minute bookings upang hindi maantala ang biyahe lalo na at dagsa ang mga pasahero sa mga pantalan tuwing semana santa.