-- Advertisements --

Kasabay ng agaw-pansing petsa ngayong araw na 2-22-22 o Pebrero 2, 2022, inanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) na simula na uli ang pagtanggap nila ng aplikasyon para sa mga aspiring o nagnanais na maging beauty queen.

Ang bagong batch ng mga kokoronahan ay magiging kinatawan ng bansa sa mga major international beauty pageants gaya ng Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental at Miss Grand International.

Ayon sa BPCI, maida-download ang application forms sa kanilang website at ang deadline ay sa darating na April 8.

Mapapansin sa Bb. Pilipinas form ay ang kwalipikasyon bilang bakunado na sa virus
kahit single dose pa lamang.

Sa ngayon, isa sa reigning o kasalukuyang “binibini” beauty ay si Hannah Arnold na nakatakda pang lumaban sa Miss International na kanselado pa ang coronation dahil sa pandemya.

Ka-batch niya sina Maureen Montagne (Miss Globe), Cindy Obenita (Miss Intercontinental), Samantha Panlilio (Miss Grand International rep), at runner-ups na sina Gabby Basiano at Meiji Cruz.

Kung maaalala, humiwalay na ng franchise ang Binibining Pilipinas Universe na ang coronation naman ay gagawin sa darating na April 30 at siyang magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant kasunod ni Beatrice Gomez.