-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang 2.2 milyon doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Dakong 8:30 p.m. ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sinabi naman ni presidential assistant on foreign affairs and chief of presidential protocol Robert Borje na ang 210,000 doses ay dinala sa Cebu habang 110,000 naman ang ipinadala sa Davao City at ang mga natitira ay sa Metro Manila.
Ito na ang pangalawang shipment ng Pfizer na noong Mayo 10 ay dumating 193,050 doses ng nasabing bakuna.
















