-- Advertisements --

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) chairman Bambol Tolentino na makakasungkit ang Pilipinas ng gintong medalya sa Tokyo Olympics na nakatakdang magsimula sa Hulyo 24.

Ayon kay Tolentino, ang minimum niya ay kahit isa man lang gintong medalya mula sa 19 Pilipinong atleta na sasabak sa Summer Games.

Kung sakali mang mangyari ito, ito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Kabilang sa mga inaasahang makakasungkit ng anumang medalya sa international sporting event na ito ay ang pole vault ace na si EJ Obiena, golfer Yuka Saso, gymnast Carlos Yulo, weightlifting veteran Hidilyn Diaz, at skateboarder Margielyn Didal.

Pero sinabi ni Tolentino na lahat ng 19-man contingent ng Pilipinas at matindi ang paghahanda para sa global meet na nakatakda sana noon pang nakaraang taon pero naudlot dahil sa pandemya.

Sa 19 na Pinoy athletes, tanging apat na lamang ang nasa bansa pa sa kasalukuyan at naghihintay na lamang ng kanilang flight papuntang Tokyo sa mga susunod na araw.