Ipinagmalaki ng Philippine Air Force ang kanilang kauna-unahang babaeng fighter pilot na si 1Lt Jul Laiza Camposano-Beran ng 5th Fighter Wing na naka base sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.
Ayon kay Phil. Air Force Spokesperson Col. Maynard Mariano, si Lt. Camposano-Beran ay pormal na binigyan ng sertipikasyon bilang AS-211 combat mission ready pilot at wingman, kahapon.
Ayon kay Mariano, si Camposano-Beran ay dumaan sa tinatawag na fighter fundamentals at combat crew training sa AS211 na siyang pre-requisite para maging fighter pilot.
Ang AS211 ay isang light combat aircraft ng PAF na siyang ginagamit din sa pagpapatrulya sa West PHl Sea.
Dagdag pa ni Mariano, hindi lang basta alam ni Camposano-Beran na magpalipad ng eroplano kundi alam din niya makipaglaban sa air to air, in air to ground, air to susrface gamit ang S211.
Sa ngayon nasa proseso na sa pag familiarize ang lady fighter pilot bilang transition na rin para magpapalipad ito ng FA-50 fighter jet.
Bago pa man maaaring magpalipad si Camposano-Beran ng FA-50 fighter jet kailangan niya ng 300 flying hours at kung makapasa siya ay maaari na siyang magpalipad ng fighter jet.
Gayunpaman sinabi ni Mariano, may experience na si Camposano-Beran na maging backseat pilot ng FA-50.
Bukod kay Camposano-Beran may dalawa pa na babaeng piloto ang ksalukuyang sumasailalim sa training para maging fighter pilot.
Dalawang taon ang gugugulin ng mga piloto para makumpleto nila ang combat crew training.
Si 1Lt. Camposano-Beran,ay tubong Tulunan, Cotabato ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Class of 2015.
Siya ang pang limang babae sa kasaysayan ng akademiya na naka-tanggap ng Athletic Saber Award.
Nagtapos siya ng Military Pilot Training sa Philippine Air Force Flying School noong 2017.
Sinabi ni Col. Mariano na sinasaluduhan ng Philippine Air Force ang lahat ng kababaihan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.