-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Emosyonal na nagpasalamat sa mga medical staff ang pinakaunang pasyente ng COVID-19 sa lalawigan ng Negros Occidental matapos gumaling ito sa sakit.
Kahapon, nakalabas na sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City ang 41-anyos na babaeng residente ng EB Magalona at isang government employee.
Sa rekord ng Department of Health, ang naturang pasyente ay PH1338 o Western Visayas Patient number 17.
Nabatid na mayroon itong travel history sa Manila at Davao bago natukoy na positibo siya sa COVID-19.