-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Labis na ikinatuwa ni Tboli Mayor Dibu Tuan ang tuluyang pagkakarekober ng pinakaunang kaso ng COVID-19 na naitala sa lalawigan ng South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Tuan, kaniyang ikinagagalak ang paggaling ni PH2173, 52-anyos at may travel history sa Manila matapos nagnegatibo ito sa kaniyang re-test sa naturang virus.

Ayon sa alkalde, malaki rin ang kaniyang paniniwala na magiging negatibo ang kahihinatnan ng test bago pa man lumabas ang resulta.

Pinag-iisipan na rin ng alkalde ang pagpapaluwag ng ipinapatupad na total lockdown sa naturang bayan ngunit ipaiiral pa rin ang mga preventive measures upang maiwasan ang pagdagdag ng nasabing kaso.

Nabatid na tumagal ng dalawang linggo ang ipinatupad na lockdown kasunod ng pagkakatala ng unang kumpirmadong kaso sa kanilang bayan.

Malaki rin ang pasasalamat ni Mayor Tuan sa mga frontliners na tumutok sa itinuturing na hotzone sa Brgy. Lemhaku.