Molnupiravir
-- Advertisements --

Inaasahang darating sa Pilipinas ang suplay ng unang batch ng anti-COVID-19 drug na Molnupiravir sa Nobiyembre 18.

Ito ang pagkumpirma ng Faberco Life Sciences Inc. ngayong araw na napiling magpamahagi ng naturang gamot sa bansa habang ang RiteMed Philippines ang naatasan na mag-distribute ng molnupiravir sa mga ospital, medical institutions at treatment sites.

Sa kasalukuyan, ang Molnupiravir ay available na gamitin ng mga ospital na nabigyan ng compassionate special permit ng Food and Drug Administration.

Batay sa resulta ng clinical trial sa Molnupiravir, lumalabas ayon sa Faberco na binabawasan nito ng hanggang 50 % ang risk na maospital o mamatay ang mga pasyenteng may mild to moderate COVID-19 na nabigyan ng 5-day treatment regimen.

Saad pa ng Faberco na inaasahang aprubahan din ng FDA sa Pilipinas ang aplikasyon para sa emergency use authorization ng Molnupiravir sa bansa sa mga susunod na linggo.

-- Advertisement --

Kamakailan lamang ng nabigyan ng EUA ang Molnupiravir sa United Kingdom.