-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dinaluhan ng mga livestock personnel ang 1st Artificial Insemination Summit na isinagawas sa lungsod ng Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Dr. Arnel Del Barrio, executive director ng Philippine Carabao Center, layunin ng summit na mapag-usapan ang mga programa para sa pagpapataas pa sa produksyon sa mga alagang baka, kalabaw at kambing.

Ayon sa opisyal, sa pamamagitan nito ay masusuportahan ng mga kinauukulan at mas mapalakas pa ang mga kakailanganin para sa animal protein mula sa karaniwan na produksyon.

Gayundin mas mapataas ang milk production para ikabuti sa katawan ng mga alaga.