-- Advertisements --

Patuloy pa ring sinasala ng oppositioin coalition na 1Sambayan ang magiging pambato nila sa pagkapangulo ng 2022 presidential elections.

sambayan
1Sambayan/ FB

Sa inilabas na kalatas na nasa huling araw na sila sa screening ng mga nominees para sa pagkapangulo sa darating na halalan.

Nagkaroon din aniya sila ng ‘internal survey” na nagsimula noong Setyembre 12 at magtatapos ng Setyembre 25 kung saan bawat miyembro nila ay ipapaliwanag kung bakit nila napili ang isang indibidwal na tumakbo sa pagkapangulo.

Mahalaga aniya na pumili ng kandidato para sa demokrasya ng bansa.

Tiniyak naman nila na kanilang iaanunsiyo ang mapipili nilang kandidato isang linggo bago ang paghahain ng kandidatura mula Oktubre 1 hanggang 8.

-- Advertisement --