-- Advertisements --
image 56

Nasagip ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang nasa 1000 manggagawa kabilang ang mga banyaga na nabiktima ng human trafficking para magtrabaho sa isang cyber fraudulent industry sa Pampanga.

Ang mga nasagip na manggagawa ay Chinese nationals, Vietnamese, Indinesians at mga Pilipino mula sa isang establishimento sa Clark Freeport Zone, Clark Pampanga.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP-ACG na si Police Lt. Michelle Sabino, lahat ng mga biktima ay nananatili pa rin sa lalawigan habang inaantay ang pagproseso ng kanilang embahada sa kanilang mga papeles pabalik ng kani-kanilang bansa.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng magkasanib-pwersang operasyon ng PNP-ACG, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at PNP Special Action Force (SAF).