-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Ginunita ng Moro Islamic Liberation Front ang 19th Death Anniversary ni dating MILF Chairman Shiek Salamat Hashim.

Dinaluhan ito ng mga matataas na lider ng MILF at Bangsamnoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Isinagawa ito sa Camp Rajamuda sa Pikit Cotabato at nanguna sa aktibidad si Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) Eastern Mindanao Front MP Akmad Jack Abas Alhadj.

Dumalo rin si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim , Chief of Staff Abdulraof Macacua at marami pang ibang opisyal mula MILF at BARMM

Kasabay sa okasyon ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga byuda ng mga yumaong mga mandirigma ng MILF.