Inaasahang magiging pinakamalaki sa kasaysayan ng Asiad ang 19th Asian Games na nakatakdang magbukas sa araw ng Sabado.
Ang naturang laro ay inaasahang dadaluhan ng humigit kumulang 12,000 na atleta mula sa 45 na bansa sa buong Asya.
Ayon kay Chen Weiqiang, tagapagsalita ng Organizing Committee, maraming hamon ang kanilang hinarap simula mag-umpisa ang kanilang paghahanda.
Ang mga laro ay isasagawa sa 54 na venue, at karamihan ay sa lungsod ng Hangzhou, ngunit may iba na isasagawa sa malalayong lungsod ng China.
Samantala, inaasahan namang dadalo ang mga world leader sa opening ceremony ng naturang kompetisyon.
Sa opisyal na pagbubukas ng mga laro sa araw ng Sabado, Sept. 23, inaasahang mangunguna dito si Chinese Pres Xi Jinping.
Inaasahan ding sasamahan siya ni Syrian President Bashar al-Assad, kasama ang iba pang mga kinatawan ng ibat ibang mga bansa.
Maalalang noong nakaraang Setyembre sana isagawa ang naturang Regional sporting event ngunit hindi natuloy dahil sa na zero-COVID policy China.