-- Advertisements --
Sugatan ang 19 katao matapos na bumangga ang bus sa nakahintong train sa France.
Hindi nakita ng driver ng bus ang nakahintong train ng dumaan ito sa tunnel sa Coquelles.
Dalawang katao ang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan kaya gumamit na sila ng helicopter para madala sa pagamutan.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.














