-- Advertisements --

Mahigit 400 katao na ang hinuli sa France dahil sa nagpapatuloy na protesta na pinapangunahan ng mga high school student.

Marami rin sa mga nakadetene ay mga minor.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang mga serye ng protesta sa ilang high school campus at libu-libong estudiyante na ang sumasali at nagsasagawa ng rally.

Binabatikos ng mga ito ang limitadong campus resources at umano’y pahirap nang pahirap at bumababang school conditions sa maraming eskwelahan sa naturang bansa.

Nagdulot na rin ang mga naturang protesta ng nationwide disruptions.

Unang nagsimula ang protesta sa Île-de-France region na nakapalibot sa Paris hanggang sa tumuloy ito sa ilang pangunahing syudad.

Ayon sa French Education Ministry, ang mga serye ng demonstrations ay naging dahilan na para maantala at maapektuhan ang regular operations ng hanggang 400 eskwwelahan sa mga pangunahing lugar sa France.