-- Advertisements --

Aabot sa 3,400 COVID-19 cases ang iniulat ng Chinese health authorities ngayong araw ng Linggo, doble ng bilang na naitala sa nakalipas na araw.

Nabatid na dahil sa nationwide surge sa COVID-19 cases sa China, napilitan ang mga awtoridad na isara muna ang mga paaralan sa Shanghai at isinailalim sa lockdown ang ilang mga lungsod sa northeastern part ng bansa.

Nabatid na nasa 19 probinsya ang nahaharap ngayon sa matinding problema na dulot ng Omicron at Delta variants.

Mabaabtid na mula nang unang maitala ang kauna-unahang kaso sa China noong 2019, napanatili ng naturang bansa ang striktong “zero-COVID” policy sa pamamagitan ng lockdowns, travel restrictions at mass testings.

Pero dahil sa flare-ups kamakailan, na dulot ng mas nakakahawang Omicron variant, nailalagay tuloy sa matinding hamon ang approach na ito ng China.

Aminado si Zhang Yan, opisyal sa Jilin provincial health commission, na kilang ang response na ginagawa sa ngayon ng mga local authorities dahil sa dami ng mga naitatalang bagong kaso. (Ageance France-Presse)