-- Advertisements --

Nasungkit ng lady golfer ng Thailand na si Atthaya Thitikul ang unang puwesto sa world ranking ng women’s golf.

Ang 19-anyos na si Thitikul ay pangalawa sa pinakabatang golfer sa buong mundo.

Nahigitan nito si Ko Jin-young ng South Korea.

Siya ang pangalawang manlalaro na rin na nakaabot ng world number 1 sa pagiging rookie na ang una ay si Park Sung-hyun.

Pinasalamatan nito ang mga fans at kasama sa team na nagbigay ng suporta para maabot ang unang puwesto.