-- Advertisements --
image 414

Mas mahigpit na seguridad ngayon ang ipinapatupad sa buong Marawi City para sa isasagawang plebesito ng COMELEC ngayong araw.

Kaugnay nito ay aabot sa 188 ang bilang ng mga pulis na ipapakalat sa lugar upang tiyakin na magiging mapayapa ang naturang eleksyon.

Kabilang ang mga strategic at mga congested areas sa mga mahigpit na babantayan ng mga otoridad kasabay ng pagtatatag ng mga checkpoints upang siguraduhin ang seguridad sa nasabing lugar.

Bukod dito ay nakikipagtulungan na rin ang PNP sa AFP para rin sa pagsesecure sa buong lungsod sa kasagsagan ng naturang plebesito.

Habang nagdulot din kasi ng pangamba sa mga residente doon ang naging pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang mas matibay na police visibility sa lugar ay nagpapakita lamang sa mga residente na magiging ligtas ang isasagawang plebesito sa lungsod.

Ito kasi ang kauna-unahang plebesitong isasagawa sa Marawi City mula nang sumiklab ang kaguluhan dito noong taong 2017.