Malapit na umanong makamit ng Biden administration ang target nito na 200 million na mabakunahan kontra COVID-19 sa buong Amerika.

Ito ay matapos nasa 187,047,131 doses ng COVIB-19 ang naturukan na ng bakuna sa Amerika habang 237,796,105 doses ang naipamahagi ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Nasa mahigit 119 million naman ang nakatanggap ng one dose habang mahigit 72 million ang fully vaccinated.

Karamihan sa mga naturukan ng dalawang doses ay gumamit ng Moderna at Pfizer-BioNTech vaccines habang Johnson & Johnson bilang one-shot vaccine.

Aabot naman sa mahigit 7.7 million vaccine doses ang naiturok sa US long-term care facilities. (with report from Bombo Jane Buna)